Dinamayan mo ako sa aking pag-iisa
Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa
Kung gabi ay lumalamig, taglay ko ang yakap mo
Ang init ng iyong pagmamahal ay walang
kasing alab
At dahil sa iyo, napukaw ang damdamin ko
Natuto akong mangarap sa gitna ng kadiliman
Hinarap ko ang kahirapan, Minahal ko ang buhay
Ang langit ay abot-kamay lamang kung ako’y nasa
piling mo
At pagsapit ng dilim, ikaw ang liwanag ko
Parang isang dasal na lagi kong inuusal
Ang tinig mong malambing sa diwa ko’y nakatanim
Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko sa hangin
At dinamayan mo ako sa aking pag-iisa
Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa
Ang tinig mong malambing sa diwa ko’y nakatanim
Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko sa hangin…
Dinamayan Music Video:
Friday, August 10, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)